NANGUNA ang pelikulang Women of the Weeping River sa 40th Gawad Urian nang makamit nito ang Pinakamahusay na Pelikula at lima pang ibang pagkilala mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino noong Huwebes ng gabi sa ABS-CBN Studio 10 sa Quezon City.

Naiuwi ni Sheron Dayoc ang awards para sa Pinakamahusay na Direksiyon at Dulang Pampelikula dahil sa kanyang nakakabilib na kuwento sa Women of the Weeping River. Bukod dito, nakuha rin ng pelikula niya ang Pinakamahusay sa Sinematograpiya at Editing.

Sheron Dayoc bags Best Director, Best Screenplay, and Best Film copy

Tungkol ito sa kuwento ng mga babae na hinarap ang matinding away ng mga pamilya sa isang Muslim community. Ito ay prinodyus ng Southern Lantern Studios, Haut Lesmains at TBA.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Pinarangalan naman bilang Pinakamahusay na Aktor si Paolo Ballesteros para sa natatanging pagganap niya sa pelikulang Die Beautiful, at si Hasmine Killip naman ang hinirang na Pinakamahusay na Aktres para sa kanyang mahusay na pagganap sa Pamilya Ordinaryo.

Nagwagi rin ang aktor ng Finally Found Someone na si Christian Bables, laban sa anim pang nominado bilang Pinakamahusay na Pangalawang Aktor para sa kanyang karakter na ginampanan sa pelikulang Die Beautiful, at si Sharifa Pearlsia Ali-Dans naman ang nakasungkit sa Pinakamahusay na Pangalawang Aktres para sa Women of the Weeping River.

Iginawad naman kay Vilma Santos ang Natatanging Gawad Urian award. Siya na ang may pinakamaraming best actress award sa Urian, walo, para sa kanyang pagganap sa Relasyon, Broken Marriage, Sister Stella L, Ipagpatawad Mo, Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa, Pahiram ng Isang Umaga, Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story, at Dekada ’70.

Ibinahagi ng aktres na mahigit 50 taon na siya sa industriya at simula noong unang pagwawagi niya sa Urian, ipinangako na niya sa sarili na gagawa lang siya ng pelikula kapag ito ay may kabuluhan.

“Naisip ko dapat lahat ng movies na gagawin ko, dapat may ibig sabihin. Kailangan lagi significant, para maipagmalaki ko sa Manunuri na hindi man pang-best actress, ay gumawa ako ng mga pelikulang kaya kong maipagmalaki.”

Nag-alay ng mga awitin mula sa mga natatanging pelikula ng beteranang aktres sina Erik Santos, Jona at Rey Valera.

Nagbigay naman ng pambungad na pagbati sa mga bisita si Charo Santos na isa sa mga nominado sa Pinakamahusay na Aktres para sa pelikulang Ang Babaeng Humayo. Ibinahagi niya ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang Urian ay isa na sa pinakatanyag na award-giving body sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Isang bonggang panimulang performance din ang bumati sa mga manonood sa pag-awit ni Lea Salonga ng ilang mga paboritong OPM classics. Hinarana naman ni Gary Valenciano ang mga nanalo sa tradisyon ng Urian na parada ng mga nagwagi. Nagsilbing hosts nang gabing iyon sina Billy Crawford, Butch Francisco at Jodi Sta. Maria.

Ang Gawad Urian ay dinaluhan ng karamihan sa mga nominado tulad nina Jaclyn Jose, John Lloyd Cruz, Lotlot de Leon, Khalil Ramos, Irma Adlawan, Bembol Roco, Elizabeth Oropesa, Ai-Ai delas Alas, Angeli Bayani, Cherry Pie Picache, Laila Ulao, Jess Mendoza, Anna Luna, Meryl Soriano at iba pa. Dumalo rin ang chairperson ng Film Development Council of the Philippines na si Liza Diño.

Ngayong taon ipinagdiwang ng Gawad Urian ang ika-40 taon sa industriya. Mula noong una nitong awarding ceremony noong 1977, ang Gawad Urian ay naging isa na sa pinakatanyag at pinakarespetadong award-giving body sa bansa. Kinikilala nito ang mga pelikulang makabuluhan ang kuwento at naglalarawan ng tunay na buhay ng mga Pilipino, isang layunin na suportado ng film community ng bansa.

Ang mga nanalo ay pinili ng kapisanan ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na kinabibilangan ng mga natatanging pangalan sa industriya. Ito ay pinangungunahan ng chairman na si Tito Genova Valiente kasama ang mga miyembro na sina Rolando Tolentino, Grace Javier Alfonso, Butch Francisco, Mario Hernando, Bienvenido Lumbera, Miguel Rapatan, Benilda Santos, Dr. Nicanor Tiongson, at Lito Zulueta.

Naging official wine sponsor ang Stella Rosa ng Gawad Urian awards night. Ang Seda Vertis North ay isa rin sa mga naging sponsor ng nasabing event.

Ipinalabas nang live ang Gawad Urian sa nangungunang cable channel ng bansa, ang Cinema One. Mapapanood ang replays sa July 23, 2:30 PM at July 25, 7 PM. Mapapanood ang Cinema One sa SkyCable at Destiny Cable Digital Ch. 56, at Destiny Analog Ch. 37. Sundan ang Cinema One sa Facebook facebook.com/Cinema1channel para sa kumpletong schedule nito.

Naririto ang buong listahan ng mga nanalo:

Best Picture: Women of the Weeping River

Best Director: Sheron Dayoc (Women of the Weeping River)

Best Actor: Paolo Ballesteros (Die Beautiful)

Best Actress: Hasmine Killip (Pamilya Ordinaryo)

Best Supporting Actor: Christian Bables (Die Beautiful)

Best Supporting Actress: Sharifa Pearlsia Ali-Dans (Women of the Weeping River)

Best Screenplay: Sheron Dayoc (Women of the Weeping River)

Best Cinematography: Rommel Sales (Women of the Weeping River)

Best Production Design: Erik Manalo, Rommel Laquian (Saving Sally)

Best Editong: Carlo Francisco Manatad (Women of the Weeping River)

Best Music: Jema Pamintuan (Tuos)

Best Sound: Mark Laccay (Hinulid)

Best Short Film: Nakaw

Best Documentary: Sunday Beauty Queen

Natatanging Gawad Urian: Vilma Santos

[gallery ids="255982,255983,255984,255985,255986,255987"]