Ni REGGEE BONOAN

MALAKI ang utang na loob ni Georcelle Dapat–Sy, mas kilala ngayon bilang Teacher Georcelle na nagtatag ng G-Force Dance Studio, sa The Sharon Cuneta Show dahil doon siya pinag-audition ni Eric Endralin ng Adrenalin Dancers.

Kasama si Teacher Georcelle sa opening ng TSCS at back-up dancer kapag may production number si Sharon Cuneta.

TEACHER GEORCELLE copy

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“A friend of mine encourage me to audition to Sharon Cuneta show, the Adrenalin so that was the turning point,” masayang kuwento ni Teacher Georcelle sa launching ng kanyang librong Teacher Georcelle The Force Within (Lessons in Life On and Off Stage). “ I entered ABS-CBN, so Ate Shawie, so the crowd, felt the energy of the studio and I said, ‘this is where I wanna be’. Ako ‘yung youngest sa Adrenalin, I’m only 14 years old at ang tawag sa akin ni Ate Shawie, Dyesebel kasi ang haba ng buhok ko.”

Feel ba niyang tinatawag siyang Teacher Georcelle?

“Ang tagal ko nang nagtuturo and my students calls me Teacher because nakasanayan na, I don’t really mind and I don’t see it na nakakatanda or may authority,”sagot niya.

May mga tinuruan na bang taga-showbiz si Teacher Georcelle na sumuko siya dahil hindi natututo o hindi marunong sumunod?

“Tina-try kong isipin, pero wala akong maisip kasi I’m not a quitter. Wala namang problema sa parehong kaliwa ang paa kung ang determinasyon ay matindi, matututo pa rin. ‘Pag matigas ang ulo, iyon ang ikagi-give up mo. Maraming (na-encounter) pero hindi puwedeng gumive-up,” katwiran ng in-house choreographer ng ASAP.

Hindi naman itinanggi ni Georcelle na noong bata-bata pa siya ay tinatalakan niya ang mga pasaway na tinuturuan niya, at binanggit niya ang grupong, “Anime days. Alam ni Rayver (Cruz) ‘yan. Dati, nag-walkout ako sa kanila kasi maraming reasons dahil we started late and they were there at the rehearsal but they were not (mentally) present. Saka mga bata pa kasi sila noon, pero ngayong I’m older, mas mature na, iba na talaga ‘yung pagha-handle ko.”

Binanggit ni Teacher Georcelle si Enrique Gil dahil malakas ang presence kapag nasa entablado at si Maja Salvador ay mababasa sa libro niya lalo na noong bago pa lang dahil may mga struggle sila na pinagtatawanan na lang nila ngayon.

“Dati kasi tuturuan ko lang siya ng 1-8, naku ang tagal niyang aralin, mga two hours kasi hindi pa siya marunong kumuha ng choreography.”

Ang pinakamadaling turuan: si Gary Valenciano.

Ang top 5 na sa pinakamadaling turuan para kay Goercelle: “As a student kasi iba-iba sila ng atake, like Sarah (Geronimo) and Maja kasi magkaiba sila sa stage when they dance. KC (Concepcion) is an equipped dancer, meron siyang training, she’s flexible, she can do high kicks, she can turn, she can do contemporary;

“Si Anne (Curtis) is kikay. Sobrang kikay, sinasabi niya na ‘I’m not a dancer’, but you know ang dating kasi sa akin you intertwined fashion and dance sa kanya, that’s her. I see her na parang Kylie Minogue. Hindi mo siya mapapa-hell throw like Maja, hindi mo siya mapapa-swag like Sarah hindi, eh. Magkakaiba talaga sila ng offer. Sa lalaki naman sina Enrique at Rayver,” say ni Teacher Georcelle.

At dahil nag-viral ang dance video ni Nadine Lustre na siya ang nagturo, hiningan siya ng komento.

“Si Nadine as one getting choreography and white shirt love, she’s willing to really submit herself in the class.

Oftentimes, my students, meron pang inhibitions. It will take about an hour bago pa sila mag-release, pero with Nadine she knows the objective of white shirt love when she got there, she really submitted herself. The objective is to bring out the confidence. It’s a confident booster, kailangan ma-empower mo ang tao, the girls have to embrace their body, no matter what the size is, no matter how sexy you are,” kuwento pa.

Sa rami ng gustong magpaturo kay Teacher Georcelle ay hinahati niya ang oras niya lalo na kung iba-ibang grupo.

“Ita-traffic mo lang talaga, tamang oras.”

Naglabas siya ng libro para ma-inspire at ma-encourage ang mahihilig sumayaw at nagpaplanong mag-aral sumayaw with choreography at ikuwento rin ang mga karanasan niya sa mga taong naturuan niya.

Hindi siya nangangambang dumami ang choreographers na tulad niya. Sa katunayan, marami na siyang naturuan sa G-Force na nagtuturo na sa mga baguhan.

“Though I still do choreograph naman, but I really need to give them a break. Gusto ko talagang dumami sila. In fact, we have full choreographers sa G-Force,” aniya.

May pamilya na si Georcelle at ang napangasawa niyang si Angel Sy ay dancer din na miyembro ng Hotlegs. Sa show ni Sharon sila nagkakilala.

“He was my first boyfriend and now my husband and business partner, he manages our businesses. We have three kids, 16, 12 and 7 years old. Magaling sumayaw ‘yung first two, ‘yung 7 wala pa ro’n ‘yung interest niya masyado,” pakli ni Georcelle.

Samantala, hands-on si Teacher Georcelle sa pictorial ng libro niya dahil kapag nakitang hindi maganda ang anggulo ay inuulit niya at glossy ang libro na sadyang pinili niya.

Ang librong The Force Within ay mabibili sa National Bookstore at Powerbooks sa halagang P295 mula sa VRJ Books.