NI: Liezle Basa Iñigo

Nakorner ng mga awtoridad ang isang magka-live-in matapos silang makumpiskahan ng P600,000 halaga ng ilegal na droga sa Barangay 2 sa San Andres, Bacarra, Ilocos Norte.

Sa impormasyong tinanggap kahapon mula kay Supt. Edwin Balles, hepe ng Laoag City Police, dakong 5:10 ng hapon ng Biyernes nang isagawa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Ilocos Norte, Laoag Police, at Bacarra Police, ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto kina Arnel Reyes, 40, cell phone technician, ng Bgy. 50, Buttong, Laoag City; at kinakasama nitong si Norma Michelle Llacuna, 39, ng Bgy. 15, Bacarra, Ilocos Norte.

Magkasama umano ang dalawa nang magbenta ng maliit na plastic sachet ng shabu sa pulis na poseur buyer sa halagang P1,000.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagkakahalaga naman ng P611,000 ang kabuuan ng nasamsam mula sa dalawa.