NI: Beth Camia

Hiniling sa Korte Suprema ng isang dating opisyal ng barangay sa Parañaque City na mapawalang-bisa ang compromise agreement na sinasabing pinasok ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at ng isang real estate company kaugnay ng mga kasong plunder at graft na kinahaharap ng alkalde at ng iba pang lokal na opisyal ng siyudad sa Office of the Ombudsman.

Personal na dumulog sa Supreme Court (SC) nitong Biyernes si Jonathan Z. Bernardo, dating opisyal ng Barangay San Dionisio, para maghain ng petition for annulment of judgement/compromise laban kay Olivarez, sa 10 miyembro ng City Council, at sa ASEANA Holdings, Inc.

Inihain ni Bernardo sa SC ang petisyon laban sa compromise agreement na umano’y pinasok ni Olivarez at ng mga opisyal ng kumpanya noong Nobyembre 12, 2013.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“It should be annulled for being contrary to law and public policy and entered into fraudulent circumstances which is disadvantageous to the City of Parañaque,” ani Bernardo.