Ni JIMI ESCALA
SA It’s Showtime ng ABS-CBN na lang napapanood ang love team nina James Reid at Nadine Lustre. Wala pa kasing ibang project na ginagawa ngayon ang dalawa. Kaya nagtataka ang JaDine fans kung bakit hindi pa rin binibigyan ng Dos ng bagong serye ang dalawa.
Tiniyak naman ni Nadine, na nami-miss na ang pag-arte, na may darating silang project na mapapasabak na naman sila sa aktingan.
Hindi pa nga lang daw niya puwedeng sabihin kung ano ang title nito na nasa planning stage na at malamang na bago matapos ang taon ay muli na silang mapanood ni James sa isang serye.
Bukod sa naturang drama show, may mga plano rin para sa kanila ang Viva para sa taong ito. Magkakaroon siya ng solo album, na nakatakda nang simulan ang recording.
Sa ngayon ay kuntento at masayang-masaya naman daw si Nadine sa hosting job niya sa It’s Showtime na panibagong experience para sa kanya. Kaya nagpapasalamat siya sa mga beteranong host ng programa na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro at Amy Perez na hindi siya pinababayaan.
Samantala, kung araw-araw na nagho-host si Nadine sa noontime show, si James Reid ay kada Sabado lang napapanood, huh!