Tatlo pang mga koponan ng nagpakita ng kanilang pagiging “Ganado Sa Buhay” at pormal na umusad sa National Finals ng 2017 Ginebra San Miguel 3-on-3 Basketball Tournament.

Ang tatlong koponan na buhat sa Cavite, Batangas, at Butuan ay sumama sa nauna nang pitong finalists sa kompetisyon para sa pinakamahuhusay na 3x3 basketball team sa buong kapuluan.

Ang Team Tenorio, na pinangungunahan ni John Cantimbuhan kasama sina Jeoffrey Acain,Cliford Castro, at Edward Villadarez, ay namayani laban sa nakatunggaling Team Aguilar sa finals nang idinaos na Cavite leg sa Patio Medina, Brgy. Poblacion 3, sa Silang, Cavite.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Kabaligtaran naman ito ng naging resulta sa Batangas leg na idinos sa Padre Garcia, Batangas City kung saan ang Team Aguilar na binubuo nina Ponju Mabuyo, Justine Nocete, Jio Aldrin Lopez, at Ronel Africa ang nagwagi kontra Team Tenorio.

Ang Team Aguilar ang nanalo sa Butuan City leg na idinaos sa Brgy. Libertad sa pangunguna ni Chuckie Inocencio kasama sina Brian Bataluna, Limuel Monton, at Jaime Paray Jr. kontra sa Team Tenorio sa Finals.

May anim na slots ang nakatakdang paglaban sa mga susunod na regional tournaments upang makumpleto ang 16-team field para sa National Finals.

Ang anim na nalalabing regional tournaments ay gaganapin sa Quezon Province sa Computer Systems Technological College Gym sa Brgy. Poblacion 4 sa bayan ng Sariaya sa Hulyo 22 at sa munisipalidad ng Calabanga sa Camarines Sur sa Hulyo 28 bago ilang mga regionals sa La Union, Davao, Cebu, at Tacloban sa susunod na buwan.

Magsisimula naman ang National Finals sa Setyembre 1 sa SM Megamall Activity Center kung saan ang top two teams ay magtutuos para sa titulo sa Setyembre 3 bago ang laban ng Ginebra sa Araneta Coliseum.