Ni: Orly L. Barcala

Nasa 167 katao ang inaresto sa magdamag na "One Time, Big Time" operation sa Valenzuela City.

Ayon kay Police Supt. Reynaldo Medina, Deputy Chief for Operation (DECOPO) ng Valenzuela Police, karamihan sa mga inaresto ay lumabag sa city ordinance.

Sinabi ni Medina na sinimulan ang pagpapatrulya sa limang barangay ng lungsod dakong 10:00 ng gabi hanggang 2:00 ng madaling araw.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa datos, 29 ang inarestong nakahubad baro, 16 na babae ang nasagip sa mga KTV bar.

Aabot naman sa 22 menor de edad ang hinuli dahil sa ipinatutupad na curfew, dalawang lalaki ang hinuli sa bisa ng warrant of arrest, 13 ang umiinom ng alak sa kalye at 85 ang idiniretso sa police station para sa interogasyon.

“Malaking bagay kapag may mga nagrorondang pulis… hindi man mahuli ang mga kriminal at least ma-prevent natin ‘yung kanilang gagawin na labag sa batas,” ayon kay Medina.