Ni: Charina Clarisse L. Echaluce

Sa pagsisimula ng pagpapatupad ng national smoking ban bukas, hinikayat ng Department of Health (DOH) ang local government units (LGUs) na bumuo ng kani-kanilang “smoke-free task force”.

“Inaasahan namin na ang pamahalaang lokal ay nag-organize na ng kanilang smoke-free task force,” pahayag ni Health Spokesperson Eric Tayag sa press conference kahapon. Idinagdag niya na maaaring magboluntaryo ang sinuman para maging bahagi ng task force, kabilang ang mga guro, doktor, accountant, at iba pa.

Noong Mayo 16, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) No. 26, na pinamagatang “Providing for the Establishment of Smoke-Free Environments in Public and Enclosed Places”.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kabilang sa mga lugar na ipinagbabawal ang paninigarilyo ang mga sentro para sa mga aktibidad ng kabataan, gaya ng mga playschool, preparatory school, elementary school, high school, kolehiyo at unibersidad, youth hostel, at recreational facilities para sa mga menor de edad; elevator at hagdanan, mga lokasyon na delikado sa sunog; sa loob ng mga pribado at pampublikong ospital, gayundin sa mga medical, dental, at optical clinic; at food preparation areas.