SI Solenn Heussaff ang isang artista na walang inuurungan. Kahit saan mo siya isabak, susulong nsiya, wala siyang tinatanggihan mapa-singing, dancing, acting, hosting at painting. Kinakaya niyang lahat ito. 

Solenn Heussaf ARH (1) copy

Isa nang halimbawa noong kunin siya ng Encantadia para gumanap bilang ang diwatang si Cassiopea na iba ang wikang gagamitin. Hindi dahil hindi maiintindihan iyon ng mga manonood, inaral niya kung paano bigkasin nang tama ang mga salita.

Nang kunin din siya for a pictorial na sumasayaw under the sea, hindi siya tumanggi, sa halip ay in-enjoy niya ang photo shoot. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa October naman, may inihahanda siyang painting exhibit ng mga taong nami-meet niya na nagbigay sa kanya ng inspiration sa October, 2017. Pumupunta siya kung saan-saan at nakikipagkilala sa iba’t ibang uri ng tao. May painting siya ng isang scenario sa Marawi City. Noong una, gusto niyang matiyak kung ganoon na nga ang nangyayari habang may nagaganap na digmaan doon, walang makain ang mga tao at nanghihingi na lamang ng limos para may makain. 

Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon na pumunta sa Marawi, dala ang kanyang mga gamit sa pagpipinta, at napaiyak nang personal nang masaksihan ang napapabalita lamang na mga nangyayari roon.

Samantala, pinaghahandaan na ni Solenn ang taping ng action scenes sa Alyas Robin Hood 2 as leading lady ni Dingdong Dantes kasama si Andrea Torres. Sila naman ang maglalaban hindi lang sa action scenes kundi sa paseksihan din.

May bago ring project si Solenn sa GMA-7, ang hosting sa All Star Videoke na all-original musical game show kasama si Betong Sumaya. Patuloy pa rin siya sa pagho-host ng Taste Buddies sa GMA News TV with Rhian Ramos at 8:45 PM every Saturday.