Ni: Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Iniulat ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) na bumaba ng 5.5 porsiyento ang mga naitalang krimen sa lalawigan simula Enero hanggang kalagitnaan ng Hunyo ngayong taon.

Ayon kay Deputy Provincial Director for Operations, Supt. Angel Bondoc, nasa 1,036 krimen ang naitala ngayong taon, mas mababa ng 5.5% sa naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Pinakamarami pa rin ang insidente ng pagnanakaw na umabot sa 231, nasa 230 ang physical injuries, 200 ang robbery, 134 ang carnapping, 90 ang kaso ng rape, 81 ang murder, at 12 ang homicide.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa mga nabanggit na mga kaso, pinakamarami ang naitala sa Cabanatuan City at San Jose City, gayundin sa bayan ng Talavera.