Ni Nora Calderon

ISA uling magandang episode ang ginawa ng award-winning director na si Brillante Mendoza, na hindi lang magbabahagi ng naiibang love story kundi nagpapakita rin ng mga festival na ginagawa sa bawat bayang itinatampok niya.

DIREK BRILLANTE copy

This time, ang Kadaugan Sa Mactan Festival sa Cebu naman ang mapapanood na backdrop ng istorya. Ngayon nga lang namin nalaman na mayroon palang ganitong festival sa Queen City of the South, na ipinagdiriwang nila ang labanan nina Magellan at Lapu-Lapu. Millenial na ang presentation.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa presscon, natanong si Direk Brillante kung paano niya ginawa ang love story nina Tere (Dionne Monsanto) at Johann (Daniel Marsh ng Juan Directions), at kung talaga bang may kababaihan pa rin na nagmamahal hindi dahil sa love talaga kundi para makatakas sa kahirapan? Inamin ni Direk Brillante na may creative group siya at pool of writers na siyang nag-iinterview ng mga mamamayan sa lugar na gagawan nila ng istorya.

Kaya ang writer ng Kadaugan na si Eero Francisco ang pinagsagot niya, dahil ito ang nag-interview ng maraming kababaihan doon at nalaman niya ang maraming ganoong kaso -- na nagmahal sa foreigner upang matakasan ang hikahos na kalagayan sa buhay.

Hindi naman nila kinalimutang ipakita ang pagkakabigkis ng pamilya ng mga Cebuano at kung paano sila tumanggap ng mga bisita. Ipinakita rin sa istorya na nagmahal at totoong na-in love si Tere kay Johann, pero dumating din ang panahon na iniwan siya nito. Muli siyang nagmahal sa isa pang foreigner, nabuntis , pero nag-iwan lamang ng dollars para sa magiging baby nila.

Muli bang magmamahal si Tere? Ang kasagutan ay magandang abangan sa Kadaugan na nagtampok din sa ipinagmamalaking Cebuana actresses -- ang mag-inang sina Ms. Gloria Seveilla at Suzette Ranillo kasama sina Matt Daclan, Albert Chan Paran, at Keanna Reeves.

Nagpasalamat si Direk Brillante sa TV5 na patuloy siyang sinusuportahan para maipalabas ang kanyang Brillante Mendoza Presents na naghahatid ng differentiated entertainment. Walang pressure ang network sa kanya at hinahayaan siyang gawin ang episodes na ipinalalabas every month. Mapapanood ang Kadaugan sa July 30, pagkatapos ng Turning Point sa TV5.

Samantala, birthday ni Direk Brillante sa July 30 kaya after the presscon, hinandugan siya ng birthday cake at cupcakes na ipinamigay sa mga nag-attend ng presscon, bago isinagawa ang press preview ng Kadaugan na umani ng magagandang comments pagkatapos dahil happy ending.

Si Direk Brillante ang muling magdidirek ng SONA 2017 sa Lunes, Hulyo 24. Kaya tinanong din siya kung may pasabog ba siyang gagawin. Wala raw dahil ang focus niya ay kung ano ang speech ni Presidente Duterte. Wala pa raw siyang copy ng speech at hindi niya alam kung may nakahanda ngang gagamitin ng Pangulo o extemporeaneous ang magiging speech nito