Ni NITZ MIRALLES

NAKIPAGSAGUTAN si Jenine Desiderio sa supporters ng anak na si Janella Salvador dahil sa paraan ng pagdidisiplina niya sa anak. May time si Jenine na sagutin ang supporters ng anak na in fairness, on point ang punto pero sana hindi na niya idinaan sa Twitter ang problema niya sa anak.

Mas makabubuti sana kung kinausap na lang nang harapan, tutal magkasama naman sila sa bahay.

JENINE AT JANELLA copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang nangyari, nalaman tuloy ng netizens ang problema niya kay Janella at tama ang mga nag-comment na between her and Janella, ang huli ang mas masisira. Aakalain ng mga nakabasa ng series of tweets niya na matigas ang ulo ng young actress.

Nagsimula ang “Twitter-serye” nang mag-post si Jenine ng, “Napakahirap bang magpaalam? 2 simple basic rules hindi masunod. Kase ayaw sumunod.” Sinundan ito ng, “Being protective is instinctive with any mother. But if all your good intentions & protective efforts are prevented...” May hashtag pa si Jenine na #nuknukanngtigasngulo #angtigasngloob.

Sa tweets niyang “You’re on your own #gettingtoobigforyourskin” at “Fed up #paulitulit.”

Kahit walang binanggit na pangalan, obvious na tungkol kay Janella ang tweets ni Jenine kaya may mga nag-react na ipinapahiya ni Jenine ang anak. Hindi nagustuhan ni Jenine ang mga nagsabing hindi dapat niya sa social media pinagsasabihan si Janella.

“My space, my rules.” “You’re telling me what to do” at “I;, F-E-D U-P! Put up for so long. Gave so many chances & compromises. No more.”

In fairness kay Jenine, dati na naming nababasa ang reklamo niyang ito kay Janella, pero baka naman nakalimutan lang magpaalam ng anak sa kanya. On the other hand, tama rin ang netizens na dapat ay kinausap na lang niya ang anak at hindi na ipinaalam sa social media na may miscommunication problem sila.

Tama rin ang supporters ni Janella na ito ang napapasama dahil siya ang artista at hindi ang ina. Sana ay magawan ito ng paraan ng mag-ina upang hindi na maulit.