Ni: Mary Ann Santiago

Isang saksak sa likod ang natamo ng isang binata sa umano’y kaaway nitong babae sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa ospital si Cyprince Manipulo, 25, ng 1941 Capulong Street, Tondo.

Samantala, hindi pa pinapangalanan ng awtoridad ang suspek na sinasabing matagal nang kaalitan ng biktima.

Eleksyon

Mga mananalong senador sa eleksyon, inordenahan ng Diyos — Tito Sotto

Sa imbestigasyon ni PO2 Ronaldo Duenas, ng Manila Police District (MPD)-Station 1, naganap ang pananaksak sa Simon St., kanto ng Velasquez St., dakong 10:45 ng gabi.

Naglalakad umano si Manipulo nang abangan at pagsasaksakin ng suspek sa madilim na bahagi ng kalsada hanggang sa tumakas bitbit ang patalim na ginamit sa krimen.

Tinutugis na ng awtoridad ang suspek.