ISASAGAWA ng DanceSport Council of the Philippines (DSCPI) ang DanceSport Midyear Ranking and Competition ngayon sa Philsports Multi-Purpose Arena (Ultra), Pasig City.

Sinabi ni DSCPI President Becky Garcia na kabuuang 282 DanceSport athletes sa bansa ang sasabak sa kompetisyon na suportado ng

Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Flawless, Organique /Acai Berry, Retro DCG-FM 105.9 at The Greenery Bulacan.

Samantala, muling nahalal si Garcia bilang vice president sa Asian Dance Sport Federation, habang si Atty. Noel Laman ay nahalal na vice president of the disciplinary council ng World Dance Sport Federation sa ginanap na taunang pagpupulong kamakailan sa Singapore.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Para sa interesadong makapanood, mabibili ang ticket sa DanceSport Training Center, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City at sa gate ng Philsports Multi-Purpose Arena (Ultra).