Ni: Mary Ann Santiago

Nagbunga ang pagsusumikap ng isang dating janitor, na ngayon ay abogado na, matapos siyang i-promote ng Commission on Elections (Comelec).

Inaprubahan ni Comelec Chairman Andres Bautista ang rekomendasyon ng Regional Selection Promotional Boards para sa promosyon ni Attorney Ramil Comendador, dating janitor ng ahensiya, bilang Election Officer IV noong Hulyo 17.

Naging viral sa social media ang istorya ni Comendador, na habang nagtatrabaho bilang janitor ng Comelec ay nagsumikap na mag-aral at nakapagtapos ng Bachelor in Public Administration noong 2011 sa Universidad de Manila, at ng Juris Doctor noong 2016. Kabilang siya sa 3,700 pumasa sa 2017 Bar Examinations.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji