Ni REGGEE BONOAN

MAPAPANOOD na bukas ang Wansapanataym Presents Amazing Ving ni Awra Briguela at excited ang bagets. Mantakin ba namang bida na agad siya at superhero pa ang ipinagkatiwalang role sa unang TV series niya.

RODERICK AT AWRA copy

Aliw na aliw ang reporters sa press launch nila last Thursday dahil ang gaganap na tatay ni Awra ay si Roderick Paulate na nagkataon na siya palang inirekomenda sa kanya ni Coco Martin na maging peg niya noong bago pa lang siyang ma-discover. Kaya pinanood niya ang mga pelikula noon ni Dick.

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

Nagkatawanan pang lalo nang magkuwento si Awra na nag-alala siya na baka hindi na makaarte si Dick na inakala pala niyang matandang-matanda na.

“Pero nang mag-taping na kami,” sey ng bagets, “mas maliksi pa siyang kumilos kesa sa ‘kin.”

“Siguro ang akala mo uugod-ugod na ‘ko, ano?” natawang sabi ni Kuya Dick.

Palibhasa, marami na rin kasing nakakasamang senior stars sa Ang Probinsyano si Awra.

Samantala, proud na proud si Coco ngayong nakikita niya kung gaano kamahal ng bata ang trabaho niya at talagang pinagbubutihan pa.

May IG posts si Coco na mega-promote sa Wansapanataym Presents Amazing Ving. Kaya panay naman ang pasasalamat ni Awra sa kanyang Kuya Coco.

Sa press launch, natanong si Awra kung nalungkot o masaya siya na nawala si Onyok o Xyriel Ezequiel Pineda) sa FPJ’s Ang Probinsyano at nagulat ang lahat sa sagot niyang, “Opo, masaya ako.”

Hindi dahil nawala si Onyok at solo na ni Awra ang limelight ng Probinsyano kundi masaya siya dahil matutupad na ang gusto ng kaibigan na muling bumalik sa pag-aaral dahil lagi raw may dalang libro ang bagets sa set ng serye nila.

E, si Awra kaya, kailan naman siya magbabalik-eskuwela?