NI: Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY – Siyam na munisipalidad at dalawang lungsod sa Agusan del Norte ang 12 oras na mawawalan ng kuryente ngayong Sabado, Hulyo 22, kaugnay ng pagsasaayos sa distribution lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa lalawigan.

Sinabi ni Ms. Glory P. Rebleza, NGCP Regional Corporate Communication and Public Affairs officer, na magsisimula ang brownout ng 6:00 ng umaga at tatagal hanggang 6:00 ng gabi.

Kabilang ang Butuan City at Cabadbaran City, maaapektuhan ng brownout ang mga sineserbisyuhan ng Agusan del Norte Electric Cooperative (ANECO).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?