Ni: Marivic Awitan

NAGDESISYON na si coach Jerry Yee na lisanin na ang University of the Philippines bilang mentor ng kanilang women’s volleyball team.

Ngunit, tulad ng ihip ng hangin, nagbago ang desisyon ni Yee.

Matapos ang masinsinang pakikipag-usap kay UP College of Human Kinetics Dean Ronualdo Dizer, binawi ni Yee ang naunang pahayag at mananatili ito sa kampo ng Lady Maroons.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I wanted to leave but Dean Dizer talked to me,” pahayag ni Yee.

“Nakakapagod lang kasi may issues na beyond our control. I’m tired. I wanted to leave but I got a call from Dean and then nag-usap kami ng players so tuloy. Hindi naman ako mahirap kausap.”

“Hindi ko alam. Naisip ko and na-feel ko na pagod na ako sa gulo. I don’t know,” aniya.

Inamin din nitong may mga taong naghahangad ng kanyang posisyon.“There are people, siguro, that want the position, the team. Wala naman problema sa akin. Sa kanila na.”

“When people can call your president, your dean, your chancellor and say whatever, anong magagawa mo? Hindi ko rin alam,” ayon pa kay Yee.

Ngunit, sa ngayon ay nais nilang hindi na pagtuunan ng pansin ang anumang bagay sa labas ng team na makakagulo sa kanila upang makapag focus sa paghahanda para sa darating na UAAP Season 80.

“I’m working with the team. Hopefully, we play better in the UAAP. Mabalik sana natin ng Top Four and then sana mag-podium. Whatever happens, nagsabi naman na ako na I’m willing to give way,” aniya.