Winwyn copy

MARAMI ang nagtataka kung ano ang ibig sabihin ng Instagram post ni Winwyn Marquez kamakailan na sinabi niyang, “Dear Past, thank you for the lessons. Dear Future, I am ready” habang rumarampa siya suot ang isang long gown.

Nagtanungan tuloy ang kanyang fans kung makikita ba uli siya sa mga upcoming beauty pageants pero wala siyang sinagot isa man sa mga ito.

Pero mukhang kuhang-kuha niya ang suporta ng kanyang followers dahil agad na umakyat sa 20,000 ang view sa naturang post kasabay ang pagbuhos ng positive comments.

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

Ang tanong ngayon ng followers ng Mulawin vs Ravena star, may dapat bang paghandaang sigawan habang rumarampa siya sa stage?

Samantala, marami ang nag-aabang sa upcoming episodes ng Mulawin vs Ravena dahil sa napabalita na magkakaroon ng crossover ng characters nina Pirena (Glaiza de Castro) at Lira (Mikee Quintos) sa mundo ng Avila! Tiyak na panalung-panalo ang bigating eksenang ito.