Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Muling inimbitahan ng Malacañang ang mga dayuhang kritiko na bumisita sa Pilipinas upang personal na makita ang sitwasyon sa bansa.

Ito ay matapos balaan ng Toronto Sun nitong Lunes ang mga biyahero na magtutungo sa Maynila, na kabilang ang kabisera ng bansa sa pinakamapanganib na lungsod sa mundo.

Inilarawan ng nasabing publication ang lansangan sa Maynila bilang “slaughterhouse than one of the world’s great cities.”

National

Diokno kay Ex-Pres. Duterte: ‘Tara na, i-set na natin ang date mo sa ICC!’

“Gangsters kill gangsters over women, drug turf and whatever suits their fancy. Extra-judicial assassinations by President Rodrigo Duterte’s death squads add to the sinister mix,” ayon dito.

Sinabi rin sa report na aabot sa 5,600 ang napatay ng mga vigilante sa loob lamang ng isang taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang mga dayuhang kritiko ng drug war ni Pangulong Duterte ay nakikinig sa “echo chamber” at mas magandang personal na bumisita ang mga ito sa ‘Pinas.

“I think they’re listening to an echo chamber. I think they should come here and experience it’s more fun in the Philippines,” pahayag ni Abella sa Palace press briefing nitong Huwebes ng umaga. “They should experience the sun, the sand, the beaches.

“You look around from experience is this a slaughterhouse? Of course not,” aniya. “I think they’ve just been listening [to an echo chamber], it just reverberates in the ears, I think. They haven’t really been here as far as I know.”

Sa ilalim ng #RealNumbersPH campaign ng pamahalaan, iniulat ng Philippine National Police (PNP) na nasa kabuuang 3,200 drug personalities ang napatay sa 63,926 anti-drug operations na isinagawa hanggang Hunyo 20, 2017.

Iniulat din ng PNP na nasa 86,933 drug personalities ang inaresto habang 1,308,078 ang sumuko.

Samantala, si Aurora Ignacio, Assistant Secretary of Office of the President, ang pinili ng Malacañang bilang “focal person” pagdating sa pamamahala sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Sa Presidential Directive No. 5, pinapayagan si Ignacio “[to] receive inquiries or clarifications and provide the necessary intervention on matters pertaining to the government’s anti-illegal drugs campaigns.”

May ulat ni Genalyn D. Kabiling