Ni: Hannah L. Torregoza at Francis T. Wakefield

Sumang-ayon kahapon ang mga senador sa desisyon ng gobyerno na kanselahin ang backchannel talks sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People’s Army (CPP-NDF-NPA) makaraang maglunsad ng pag-atake ang mga rebelde sa convoy ng Presidential Security Group (PSG) sa North Cotabato nitong Miyerkules.

Sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na suportado niya si Pangulong Duterte sa usapin.

“It’s a no brainer decision. For, how can the government talk peace when the other party by their action, is not willing or at least not sincere?” saad sa text message ni Lacson.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tinukoy naman ni Sen. Gregorio “Gringo” Honasan II na hindi man lamang kinondena ng NDF ang nasabing pag-atake ng NPA sa kasagsagan ng peace talks.

“Sa mga kausap natin sa peace talks: If you have no control over those who continue to attack government troops and installations, why don’t you condemn these attacks?” ani Honasan. “If you have no control and do not condemn the attacks, why are we talking? This is bad faith. Lokohan ito.”

Maging ang mga kasapi ng Senate minority bloc ay sang-ayon sa pagkansela nin Duterte sa negosasyon.

Kaugnay nito, inihayag kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may kabuuang 403 sa NPA ang na-neutralize simula nang makansela ang peace talks noong Pebrero 4, 2017.

Ayon sa tagapagsalitang si Marine Colonel Edgard Arevalo, 91 rebelde ang napatay, 40 ang naaresto, at 272 ang nagsuko ng mga armas, na nasa 194 sa kabuuan.