Ni: Gilbert Espeña

INAASAHANG papasok sa top ten ng World Boxing ratings si OPBF super flyweight champion Rene Dacquel bunsod ng kumbinsidong 12-round unanimous decision kay Japanese challenger Hayato Kimura kamakalawa ng gabi sa pamosong Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Bagamat nakipagsabayan kay Dacquel ang Koreanong nakabase sa Japan, malinaw na nanalo ang Pinoy boxer sa tatlong hurado sa mga iskor na 115-113, 116-112 at 117-111.

Napaganda ni Dacquel ang kanyang rekord sa

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

20-6-1 tampok ang anim na knockouts at inaasahang aangat pa siya sa wordl ranking.

Nakatala si Dacquel bilang IBF No. 10, WBO No. 14 at WBC No. 17 sa super flyweight division at ito ang ikatlong matagumpay niyang depensa sa Japanese boxers, lahat ginanap sa Japan.