NI: Leandro Alborote

SAN CLEMENTE, Tarlac - Dahil sa pagmamakaawa ng isang babaeng public school teacher ay nakaligtas siya sa tangkang panggagahasa ng isang kapwa niya guro sa Barangay Tambugan, Camiling, Tarlac, nitong Miyerkules ng gabi.

Edad 27 ang gurong muntik nang magahasa ng suspek na si Edgar Claudio, 44, guro sa Bamban High School sa San Clemente, at residente ng Bgy. Baldios sa Santa Ignacia.

Nabatid sa imbestigasyon ni SPO1 Mary Jane Isidro na matapos mag-seminar ang dalawang guro sa Olongapo City ay inalok ni Claudio ang biktima na sumakay sa kanyang sasakyan.

Probinsya

₱200K, alok na pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa Koreano sa Pampanga

Nagmeryenda sila sa Bgy. Tambugan sa Camiling hanggang sa dalhin umano ng suspek ang biktima sa Fire and Ice Drive Inn at takutin habang minomolestiya.

Gayunman, nagmakaawa ang biktima hanggang sa hinayaan na lamang siyang makaalis ni Claudio.