Ni: Fer Taboy

Patay ang isang mag-ina habang malubha naman ang lagay ng isang 13-anyos na binatilyo sa pananaksak ng lalaking nanira sa kamoteng kahoy na tanim ng mga biktima sa Barangay Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo, kahapon.

Kinilala ang mga napatay sa si Nelly Britania, 80; at anak niyang si Lilibeth Silvederio, 52, habang malubha naman ang 13-anyos na si John Kenneth Silvederio.

Kinumpirma naman ni Chief Insp. Reymund Celoso, hepe ng Barotac Nuevo Municipal Police, na sumuko kaagad ang suspek na si Efren Descutido, at inamin umano ang pagpatay sa mag-ina.

Probinsya

₱200K, alok na pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa Koreano sa Pampanga

Sinabi ng suspek na matindi ang galit niya sa pamilya ng mga biktima dahil sa away sa lupa.

Ayon sa isang testigo, narinig pa niya nang magkasagutan sina Descutido at Lilibeth matapos na sirain ng suspek ang tanim na kamoteng kahoy ng biktima.