Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Meralco vs Blackwater

7 n.g. -- Globalport vs Rain or Shine

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

MAKAHANAY sa opening day winners Phoenix at NLEX ang tatangkain ng apat na koponang sasabak ngayon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2017 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Mauunang maghaharap ang Meralco at Black Water ganap na 4:15 ng hapon na susundan ng tapatan ng Globalport at Rain or Shine ganap na 7:00 ng gabi.

Meralco head coach Norman Black (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Meralco head coach Norman Black (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Magtatangkang makabalik muli ng finals at makabawi sa kabiguang natamo sa kamay ng eventual champion Barangay Ginebra Kings, ibinalik ng Bolts ang reliable import na si Allen Durham para pangunahan ang kampanya sa season ending conference.

Makakatapat naman ni Durham na dati ng naglaro sa Barako Bull noong 2014 si Trevis Simpson na beterano ng European league partikular sa Greece at huling naglaro sa Hyeres Toulon sa France bilang Elite reinforcements.

Ipaparada naman ng Globalport ang NBA D League champion na si Jabril Trawick. Bahagi si Trawick ng 2016 NBA D League titlist Sioux Falls Skyforce.

Masusubok din ang baguhan din sa PBA na si JD Weatherspoon para sa Rain or Shine.

Produkto ng University of Toledo, ang 24- anyos na si Weatherspoon ay nakapaglaro din sa mga European league partikular sa Norway at Finland.