NI: Leandro Alborote

PURA, Tarlac – Tatlong hinihinalang drug pusher ang naaresto sa Barangay Nilasin sa Pura, Tarlac, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Senior Insp. Jose Natividad, hepe ng Pura Police, ang mga naaresto na sina Leonil Aligam, 39; Reynaldo Selga, 45; at Dindo Aligam, 38, pawang taga-Bgy. San Vicente, Sta. Maria, Pangasinan.

Umaktong poseur buyer si PO2 Kane Enron Javier, na nakabili umano ng isang plastic sachet ng 0.077 gramo ng hinihinalang shabu kapalit ng P500 marked money.

Probinsya

₱200K, alok na pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa Koreano sa Pampanga

Nang magpakilalang pulis si PO2 Javier at arestuhin si Selga ay tinangkang tumakas ang dalawa pang suspek pero nasakote sila ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU), at nakumpiska umano mula sa kanila ang dalawang plastic sachet na may 0.047 at 0.094 hinihinalang shabu, gayundin ang marked money.