NI: Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Dalawang security guard ng isang ricemill at kasabwat nila ang inaresto ng pulisya makaraang pagnakawan ng saku-sakong bigas ang kanilang pinagtatrabahuhan sa Barangay Malasin, Zone 1 sa San Jose City.

Kinilala ng San Jose City Police ang mga naaresto na sina Joey Calimlim y Cabigayan, 35, binata; ng Zone 5, Bgy. Bagong Sibut; Ryan Sarmiento y Tomas, 35, ng Bgy. Bagong Sicat, kapwa security guard ng RM Zagala ricemill; at Alfredo Licudan y Sarmiento, 37, ng Zone 11, Brgy. Bagong Sibut.

Mula sa bodega ng ricemill, tinangay umano ng mga suspek nitong Linggo ang 14 na sako ng bigas na nagkakahalaga ng P18,000.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakumpirma ang krimen sa CCTV footages.

Kaugnay nito, dakong 6:00 ng gabi nang sumuko sa pulisya si Sarmiento at isinauli ang P15,000 na pinagbilhan sa bigas.