Ni: Light A.Nolasco
CABANATUAN CITY - Labing-isa katao na sangkot sa jueteng ang naaresto sa Purok 1 sa Barangay Fatima sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Sa ulat ni Supt. Ponciano Zafra, walo sa mga naaresto nitong Martes ang kinilalang sina Gil Soberano Santos, 44; Gabriel Dalacat Domingo, 43; Ricardo Motion Santos, 70; Julius Santos Garcia, 37, pawang taga-Bgy. Fatima; Leonilo Gaspar Danganan, 20, ng Bgy. Bonifacio; Rodante Baluyot Garcia, 45; Edmer Albaran Reyes, 38, kapwa ng Bgy. Pamaldan; at Windtroof Tolentino Silvino, 31, ng Bgy. Cinco-Cinco, Cabanatuan City.
Nakakumpiska rin ang awtoridad ng aabot sa P19,020 cash na pawang taya, walong cell phone, tatlong calculator, stamp pads at number stamp, mga ballpen, rubber bands, tatlong wallet, dalawang sling bag, at mga papelitos ng mga taya.