Ni: PNA
MAY kakayahan ang human-induced climate change na pataasin ang karagatan sa susunod na 100 taon, sinabi nitong Martes ng climate scientist mula sa Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC).
Sinabi ni Dr. Valerie Masson-Delmotte, co-chairperson ng IPCC Working Group I, sa Australian National University nitong Martes, na ang impluwensya ng publiko sa climate change sa mundo ay nakapag-aambag sa pag-iinit ng Greenland ice sheet, na makaapekto sa antas ng karagatan sa buong daigdig.
“Sea-level rise has accelerated in recent decades, mostly due to an increased contribution of the Greenland ice sheet,” pahayag ni Masson-Delmotte.
“Summer warming above the Greenland ice sheet has been strongly related to human influence on the climate system.
Sea-level rise is enhancing coastal submersion risks,” dagdag niya.
Aniya, bagamat mas malawak na ngayon ang kamalayan ng publiko tungkol sa epekto ng climate change, ang mga kalamidad na gaya ng nasaksihan sa Arctic, France at Syria, ay natukoy na mula sa impluwensiya ng tao.
“The drought in Syria from 2007 to 2010 was unusual in a multi-centennial context, and human influence was discerned in the two components of drought—lack of rainfall and increased temperatures,” sinabi ni Masson-Delmotte nitong Martes.
“This occurs in a region where climate models project increasing water stress in a changing climate, due to a change in large-scale atmospheric circulation for the Mediterranean area.”
Samantala, sinabi rin niyang ang pagbabaha kamakailan sa France “bread basket area” ay dahil sa malakas na pag-ulan sa panahon ng tag-init.
“Warmer seas and warmer air allow the atmosphere to transport more moisture, so that the same rare meteorological situation favoring heavy rainfall is associated with more intense rainfall in a warmer world,” saad ng siyentipiko.
“This event in France had major impacts on crop yields in our bread basket area,” aniya pa.
Si Masson-Delmotte ay senior scientist mula sa Laboratoire des Sciences du Climat et de l’Environnement sa Institut Pierre Simon Laplace sa France, at bibisita siya sa Australian National University ngayong linggo.