URDANETA CITY – Pinangunahan ng beteranong si Julius Sermona ang 12,000 sumabak sa Pangasinan leg ng 2017 Milo Marathon nitong Linggo.

Tinapos ng Air Force enlisted ang 21-kilometer half-marathon sa tyempong isang oras, 15 minuto at 31 segundo, halos dalawang minuto ang layo sa sumegunda na si Hernani Sore (1:17:21).

“The first few kilometers have not been easy for me... but I just kept my head in the game which eventually helped me sprint faster in the last eight kilometers,” pahayag ni Sermona.

Pangatlo sa finish line si Romulo Ballnas (1:20:45:00).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakopo naman ni dating SEA Games champion Christabel Martes ang distaff side sa tyempong isang oras, 23 minuto at 45 segundo.

Sa edad na 34-anyos, mas mabilis pa rin si Martes sa karibal sa pangunguna nina Rowena Valdez (1:47:12:00) at Quipsie Milagros (1:54:10:00).

“I just stayed at my own pace,”sambit ni Martes. “I am very pleased with the route and it helped me stayed in the lead from start to finish.”

Pawang pasok sa 42-km National Finals sa Cebu City sa Disyembre 3 ang podium finishers.