Ni: Beth Camia

Inatasan ni Pangulong Duterte ang mga miyembro at opisyal ng government peace panel na huwag ituloy ang peace talks sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) hanggang hindi tumitigil ang mga rebelde sa pag-atake sa tropa ng pamahalaan sa Mindanao.

Kaugnay nito, magsasagawa ng backchannel talks ang grupo ng government chief negotiator, si Labor Secretary Silvestre Bello III, sa NDFP para talakayin ang pagpapatuloy sa negosasyon.

Sinabi ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Sec. Jesus Dureza na ang resumption ng negosasyon ay nakasalalay sa commitment ng mga rebelde sa itatakdang guidelines para sa posibleng ceasefire deal.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ayon kay Dureza, kabilang dito ang suspensiyon ng pag-atake sa militar at pulisya, gayundin ang pagtigil sa ginagawang pangingikil ng mga rebelde.

Kahapon lamang, limang tauhan ng Presidential Security Group (PSG) ang nasugatan sa NPA ambush sa North Cotabato, habang dalawang operatiba ng Philippine Marines naman ang nasawi sa pananambang din ng mga rebelde sa Palawan.