NOVEN copy copy

Ni MARS W. MOSQUEDA JR.

KINASUHAN na kahapon ng Cebu City Prosecutor’s Office si Noven Belleza, unang kampeon ng “Tawag ng Tanghalan,” ng rape by sexual assault na inaresto nang ihabla ng isang 19-year-old Cebuana.

Nilagdaan ni Cebu City Prosecutor Liceria Rabillas ang rekomendasyon ng prosecutor na si Ma. Theresa Casiño, na bumaba ang kaso sa Rape under Article 266-A paragraph 2 of the Revised Penal Code as amended by RA 8353 o sexual assault laban sa singer.

Mga Pagdiriwang

World Mental Health Day: Ano nga ba pinagkaiba ng Anxiety, Stress at Depression?

Inaresto si Belleza nitong nakaraang Sabado ng gabi sa IEC center sa Cebu City ilang oras matapos magtanghal bilang guest sa concert. Kasalukuyang nakaratay sa ospital si Belleza simula nang makaramdam ng pananakit ng dibdib nang arestuhin.

Maaaring magpiyansa ang sexual assault at pinaghahandaan na ng legal team ni Belleza ang pampiyansa para pansamantala siyang makalaya.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, si Belleza at ang umano’y biktima ay parehong naging contestant ng “Tawag ng Tanghalan”, doon nagkakilala at naging “textmates.” Naganap ang umano’y sexual assault sa loob ng isang condo unit sa Barangay Lahug.