Ni: Light A. Nolasco

STA. ROSA, Nueva Ecija - Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang kauuwi lang na overseas Filipino worker (OFW) makaraan siyang holdapin ng mga hindi nakilalang salarin sa Sta. Rosa-Tarlac Road sa Barangay San Joseph sa Sta. Rosa, Nueva Ecija, nitong Linggo ng hatinggabi.

Sa ulat ni Chief Insp. Jeffrey Alivia, hepe ng Sta. Rosa Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) director Senior Supt. Antonio C. Yarra, nakilala ang biktimang si Eduardo Almarez Cueto, 46, ng Bgy. Cojuangco.

Nabatid na kauuwi lang ni Cueto galing sa Saudi Arabia at kasusundo lang dito ng asawang si Clarita Mateo Cueto, 48, mula sa Terminal I ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Dakong 11:30 ng gabi nang ihinto at itabi ng biktima ang minamanehong pick-up (ACK-6492) para umihi nang dumating ang mga salarin.

Sa takot ng biktima, nagtatakbo siya sa gawing bukirin pero tinugis siya ng mga salarin at hinablot ang suot niyang mamahaling kuwintas.

Nang magtangkang manlaban ay pinagbabaril ang biktima at kinuha pa ang wallet at bag nito na naglalaman ng hindi pa tukoy na halaga ng pera, bago sumibat patakas.