Ni: Liezle Basa Iñigo

POZORRUBIO, Pangasinan - Tadtad ng bala sa katawan ang isang barangay kagawad na rumesponde sa pagnanakaw matapos siyang pagbabarilin ng tatlong salarin na hinabol niya sa Zone 7, Barangay Manaol sa Pozorrubio, Pangasinan.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Oscar Repancol, 64, dating chairman at ngayon ay kagawad ng Bgy. Manaol.

Napag-alaman na hinabol ni Repancol ang tatlong lalaki na nagnakaw sa bahay ng kanyang anak at nakorner niya ang mga ito sa isang construction site sa TPLEX interchange.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Humingi pa umano ng saklolo sa taumbayan ang kagawad para tulungan siyang arestuhin ang mga suspek, subalit nagbunot ng mga baril ang tatlo at pinagbabaril ang biktima.

Nabatid na natangay ng mga magnanakaw ang mamahaling cell phone, wallet, at bag ng anak ni Repancol.