Ni: Leandro Alborote
CONCEPCION, Tarlac - Arestado at nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children (RA 9262) ang isang 36-anyos na mister makaraan niyang paghahatawin ng plantsa sa ulo at sa iba pang parte ng katawan ang sarili niyang misis sa Barangay Rosepark Minane sa Concepcion, Tarlac, nitong Martes ng gabi.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Rachiel Arceo, dakong 11:00 ng gabi nang mangyari ang pananakit sa loob ng bahay ng mag-asawa sa nabanggit na barangay.
Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa na nauwi sa matinding galit ng mister, na kaagad na nakadampot ng plantsa at ginamit iyon upang paulit-ulit na hatawin ang ginang.