Ni: Gilbert Espeña
NAKAMIT ni Filipino Jelvis Arandela Calvelo ang ikatlong puwesto sa katatapos na 2017 Canadian Open Chess Championship (Under 2200 section) na ginanap sa Sault College sa Sault Ste. Marie, Ontario, Canada.
Nakapagtala ang Dasmarinas, Cavite native ng 7.0 puntos mula sa anim na panalo, dalawang tabla at isang talo sa siyam na laro.”I’ am Grateful to be part of ‘2017 Canadian Open Chess Championship. Winning 3rd Place in the Under 2200 section and 6th Place in the Open Blitz,” sambit ng Toronto-based na si Calvelo sa kanyang Facebook account.Nakopo ni Chike Aniunch ang titulo sa pagkamada ng 8.0 puntos na sinundan naman ni Amirsalar Javidfard na nagkasya sa second-overall na may 7.5 puntos. Nabigong maiuwi ni Javidfard ang titulo matapos matalo kay Calvelo sa final round.
Si Calvelo na dating chess coach sa Pilipinas ay pumuwestong second place sa Aurora International Open chess championship nitong Mayo 1 hanggang 2 na ginanap sa Aurora, Canada at nagkampeon naman sa All Filipino Cup nitong Hunyo 24 sa Toronto, Canada.