Ni: Reggee Bonoan

MAGKASAMANG dumating sa celebrity screening ng Kita Kita sina Angel Locsin at Neil Arce. Nang makita kami, sabay yakap sa amin ang aktres saka kami ipinakilala sa napapabalitang boyfriend niya, na nakipagkamay naman sa amin.

ANGEL AT NIEL LANG_please crop copy

Napatingin kami kay Angel at bumulong kami ng, ‘kayo na?’

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

“Hindi pa, ate, dating-dating pa lang talaga kami,” mabilis na sagot ng dalaga.

‘Eh, bakit mo ako ipinakilala?’ balik-tanong namin sa kanya.

“Espesyal ka sa akin alam mo naman ‘yun, di ba?” nakangiting sabi sa amin.

At sabay pisil sa balikat namin.

Si Neil naman, ang ganda na ng ngiti sa amin. Dati’y laging naka-tiger look, ha-ha-ha-ha.

Bahala nang bumasa o umintindi sa kuwento naming ito ang aming dear readers -- kung ‘sina’ Angel at Neil ‘na’ o nasa dating stage pa lang sila.

Anyway, nagandahan nang husto si Angel sa twist ng Kita Kita. Sabi niya, nakakaiyak, hindi niya ini-expect na ganu’n ang kuwento sa huli.

Ayaw namang magpa-interview ni Neil na panay ang iwas sa TV camera at voice recorder.