Ni NORA CALDERON 

ISINABAY na ni Andrea Torres sa first taping day niya ng Alyas Robin Hood 2 nitong Tuesday afternoon ang muli niyang pagri-renew ng contract sa GMA Network.

ANDREA copy copy

“Masaya ako dahil for the next few years makakasama ko ang pamilya ko, ang GMA,” sabi ni Andrea. “Dito naman po talaga ako lumaki. Sila ang tumulong sa akin para ma-realize ko kung ano ang gusto kong gawin dito sa industriya natin. Tinutulungan nila ako para maisip ko pa kung ano ang p’wede kong gawin at kung paano pa ako mag-i-explore.“

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Bukod sa Bubble Gang, balik-primetime si Andrea as the feisty and daring character of Venus sa Alyas Robin Hood 2.

Magaganda ang feedback ng character ni Venus kaya mas palaban at mas marami siyang action scenes kapag muling napanood.

Masaya si Andrea na magagamit na niya ang mga natutuhan niya sa training sa Muay Thai at boxing habang nakapahinga ang kanilang action-drama series. Pinaghahandaan na rin niya ang pagsasama nila ni Solenn Heussaff na bagong leading lady ni Dingdong Dantes, hindi lang sa action scenes kundi sa paseksihan ng kanilang characters.

“First time naming makakatrabaho ang isa’t isa. I’m sure magtutulungan kaming dalawa. Pero we’ve always been friends.

Mas lalalim ang friendship namin dahil mas makakasama ko na siya.”

Ang Alyas Robin Hood 2 ay ididirehe pa rin ni Dominic Zapata na patuloy pa ring magdidirek ng Mulawin vs Ravana with co-director Don Michael Perez.