INIHAYAG ng ABS-CBN at Xeleb Technologies Inc. ang kanilang partnership sa contract signing na ginanap nitong Martes (July 18) para sa pormal na paglulunsad ng FPJ’s Ang Probinsyano mobile game, isang runner type game app para sa gamers tampok ang top-rating Kapamilya series sa pangunguna ni Cardo Dalisay na nakikipaglaban sa kasamaan at nagliligtas ng mga buhay.

PHOTO FOR PROBINSYANO MOBILE GAME copy

Base sa nangungunang seryeng FPJ’s Ang Probinsyano, puno ng aksiyon ang mobile game app na ang users mismo ang bida ng laro sa panghuhuli ng mga kawatan at pananatili ng kapayapaan sa lansangan ng Maynila. May pagkakataon ding manalo ng special prizes ang players sa kanilang pag-iwas sa iba’t ibang pagsubok.

Gaya ng matagumpay na serye, patok din ang mobile game app sa gamers. Katunayan, agad itong pumalo sa 50,000 downloads sa unang limang minuto pa lamang nang una itong nilunsad noong Mayo. Ngayon ay malapit na itong pumalo sa one million downloads.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Masaya kami dahil napapalaganap ang advocacy ng palabas sa pamamagitan ng isang platform na malapit sa kabataan. Sa partnership na ito, hinahangad namin na hindi lang makapagbigay ng saya, kundi pati na rin makapaghandog ng aral gamit ang iba’t ibang Kapamilya-driven apps,” sabi ng head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal.

“Nasa ABS-CBN ang intellectual property, nasa amin naman ang technology. Magiging maganda at matibay ang samahan na ito,” sabi naman ng Xeleb chairman and CEO na si Raymond Racaza. “Una pa lang ang FPJ’s Ang Probinsyano sa mga larong paparating na dapat abangan ng mga manonood.”

Sa loob ng halos dalawang taon, umani na ng maraming papuri mula sa mga manonood ang FPJ’s Ang Probinsyano sa pagbabahagi nito ng mga aral tungkol sa pamilya at pagmamahal sa bansa. Tinatatalakay nito ang buhay ng pulis na si Cardo Dalisay, na bumalik sa serbisyo kamakailan bilang miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police (PNP) upang magligtas ng mga inosenteng buhay nang mamatay ang kanyang anak.

Patuloy itong namamayagpag sa national TV ratings simula nang umere noong Setyembre 2015. Bukod sa avid viewers, umaani rin ng pagkilala ang FPJ’s Ang Probinsyano mula sa House of the Representatives at ilang government officials gaya ng Department of Interior and Local Government Secretary na si Mike Sueno at PNP chief Ronald dela Rosa.

Kinilala na rin ito ng iba’t ibang award-giving bodies gaya ng Gawad Tanglaw, Anak TV Awards, PMPC Star Awards, at kamakailan ng 48th Box Office Entertainment Awards.

Maaaring i-download ang FPJ’s Ang Probinsyano mobile game sa Google Play at W00T.

Sa patuloy na transition bilang digital company, nangunguna ang ABS-CBN sa paghahatid ng de-kalidad na content online at paglawak ng digital properties nito.

Ang Xeleb Technologies Inc. naman ang kauna-unahang celebrity game mobile company sa bansa na ang ilan sa principal shareholders ay sina Anne Curtis, Kim Atienza, Isabelle Daza, at Erwan Heussaff.