Nina ANTONIO L. COLINA IV at FER TABOY, May ulat ni Argyll Cyrus B. Geducos

DAVAO CITY – Limang tauhan ng Presidential Security Group (PSG) ang nasugatan makaraan silang tambangan ng mga miyembro ng New People's Army (NPA) sa Bukidnon-Davao Road, Arakan, North Cotabato, bandang 6:30 ng umaga kahapon.

Soldiers carry a wounded member of the Presidential Security Group after they were airlifted to the Naval Forces Eastern Mindanao Command for further medication at the military hospital following the ambush along the Davao-Bukidnon highway in Barangay Gambudes, Arakan, North Cotabato on Wednesday morning. (Keith Bacongco)
Soldiers carry a wounded member of the Presidential Security Group after they were airlifted to the Naval Forces Eastern Mindanao Command for further medication at the military hospital following the ambush along the Davao-Bukidnon highway in Barangay Gambudes, Arakan, North Cotabato on Wednesday morning. (Keith Bacongco)

Sinabi ni Eastern Mindanao Command (EMC) spokesperson Maj. Ezra Balagtey na sakay sa in-ambush na convoy ang 10 tauhan ng PSG na patungong Cagayan de Oro City mula sa Davao City upang inspeksiyunin ang lugar kaugnay ng nakatakdang pagbisita ni Pangulong Duterte sa mga sugatang sundalo roon.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“They are from Davao and they will preposition in CDO for the scheduled visit to troops involved in Marawi to boost their morale,” ani Balagtey.

Naniniwala si Balagtey na marami ring nasugatan sa panig ng NPA sa nangyaring engkuwentro.

Batay sa police report, nasa 150 rebelde na nakasuot umano ng military uniform ang tumao sa isang checkpoint sa Barangay Katipunan, Arakan, Cotabato, hanggang sa sumiklab ang engkuwentro.

Gayunman, napatay sa bakbakan ang miyembro ng Citizens Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na si Ben Padia, habang dinukot naman ng NPA si Rogelio Mago Genon, 60, asset para sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng pulisya.

Kinondena naman ng Task Force Davao ang nasabing pag-atake, kung saan nagpanggap pang sundalo ang mga rebelde at nagtayo pa ng pekeng checkpoint na may karatula ng TF Davao.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni PSG commander Col. Louie Dagoy na hindi maaapektuhan ng insidente ang mga nakatakdang aktibidad ni Pangulong Duterte sa lugar.

“Wala naman [epekto]. Kumbaga, life must go on. So, ‘yung events niya, mga activities, tuloy lang ‘pag may schedule na,” ani Dagoy.