Nina HANNAH TORREGOZA at LEONEL ABASOLA

Nagkasundo ang mga senador na suportahan si Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang martial law, ngunit nag-aalangan kung posible ito hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon.

Nagtipun-tipon kahapon sa Senado ang mga miyembro ng security cluster ng pamahalaan upang talakayin sa mga senador ang hiling ni Pangulong Duterte na palawigin ang batas military sa Mindanao hanggang sa Disyembre 2017.

Idinipensa ni National Security Adviser Hermogenes Esperson, Jr. ang hiling ni Duterte at sinabing makatutulong ito sa pamahalaan sa mga pagsisikap na makamit ang kapayapaan sa Mindanao.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

“The bottom line here is, we want peace and stability in Mindanao, and martial law contributes a lot to this effort.

Without peace and stability in Mindanao, we won’t be able to achieve our aspirations for Mindanao,” pahayag ni Esperon sa isang panayam.

Bukod kay Esperon, dumalo rin sa closed-door security briefing sina Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, at Armed Force of the Philippines (AFP) chief of staff General Edugardo Año.

Kabilang din sa closed-door briefing ang mga miyembro ng Senate majority bloc, sa pangunguna nina Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, at Senate minority bloc na pinangunahan naman ni Sen. Franklin Drilon at si Sen. Joel Villanueva.

“Mukhang majority would agree that we need to extend but the period would be debated upon more tediously than what we had a while ago,” pahayag ni Villanueva sa mga mamamahayag matapos ang briefing.

Sinabi naman ni Senate minority leader Franklin Drilon na hindi siya kumbinsido sa proposal ni Pangulong Duterte.

“But as to the need for extension, yes; I am inclined to support that, but insofar as the length and the coverage, let’s debate on that,” ani Drilon.

Samantala, hiniling naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na paigtingin ang rekonstruksiyon at rehabilitasiyon sa mga gusali sa Marawi City.

Aniya, mas mahalaga ang Marshall Plan para sa Marawi City.