Ni JIMI ESCALA

ISANG beteranong showbiz reporter na malapit kay Willie Revillame ang umamin sa amin na medyo nawawala na ang dating init ng progamang Wowowin.

SUPER TEKLA copy

Katwiran ng kausap namin, nag-umpisang lumambot at lumamlam ang show ni Willie sa Siyete nang mawala na si Randy Santiago.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Malaki rin daw ang epekto sa show nang mawala rin ang mahusay na komedyanteng si Super Tekla. Nagkaroon na raw kasi ng tatak si Tekla na isa rin sa mga dahilan kaya nagiging paborito noon ng viewers ang Wowowin.

Pinaniwalaan daw kasi ni Willie ang mga paninira kay Tekla na nakarating sa kanya na naging dahilan ng pagkatanggal ng huli sa show.

Itinanggi ni Tekla ang isyu na nalululong daw siya sa casino. Katunayan nga raw, hindi naman kalakihan ang tinatanggap niyang talent fee sa show ni Willie kaya imposible ang isyung iyon.

“Sa totoo lang, mataas ang rating ng Magpakailan ni Tekla, kaya pagpapatunay lang ‘yun na kinampihan siya ng televiewers. Magaling namang komedyate si Tekla, kaya siguradong may kukuha sa kanya,” pagtatanggol ng kausap namin sa natanggap na komedyante.

Samantala, mas umaalagwa sa latest ratings ang Wildflower na katapat ng Wowowin. Pinakakain ng alikabok ang Wowowin ng seryeng pinagbibidahan ni Maja Salvador kasama sina Aiko Melendez, Sunshine Cruz, Tirso Cruz, Vin Abrenica, RK Bagatsing at maraming iba pa.