Nina ANNA LIZA VILLAS-ALAVAREN at BELLA GAMOTEA

Sugatan ang limang construction worker nang gumuho ang steel beam sa itinatayong Skyway Stage 3 Project sa kahabaan ng South Superhighway sa Makati City, kahapon ng umaga.

GUMUHO copy copy

Kinilala ang mga sugatan na sina Norman Nicolas, Ronald Degamo, Jerwin Deocarisa, JR Balaquidan at Guillermo Santor, Jr. na pawang isinugod sa Ospital ng Maynila upang lapatan ng lunas.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Samantala, dalawang sasakyan naman ang nadamay at nabasagan ng salamin sa aksidente; isang gray Toyota Avanza (VU-8297) na minamaneho ni Ernesto Castillo, at isang puting Honda Jazz (TOT-892) na minamaneho ni Amelia Cue.

Dahil dito, bandang 10:00 ng umaga, isinara sa mga motorista ang South Superhighway.

“Falling steel bars from skyway construction near Cash and Carry, South Super Highway. Both lanes closed,” base sa advisory ng Makati City government.

Nagpadala ng mga tauhan ang Makati Rescue Personnel at ang Public Safety Department sa lugar, na nasa pamamahala ng DM Consunji (DMCI), upang alalayan ang mga motoristang naipit sa trapiko.