Ni: Leo P. Diaz

ISULAN, Sultan Kudarat – Kinumpirma ni Sultan Kudarat Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Action Officer Henry J. Albano na magpupulong ngayong Miyerkules ang mga opisyal ng lalawigan upang talakayin ang posibilidad na isailalim ang probinsiya sa state of calamity dahil sa pinsala ng baha at sa banta sa seguridad ng mamamayan.

Inaasahan ni Albano na dadalo sa pulong ang mga lokal na opisyal ng bawat bayan, opisyal ng militar, ng Department of Labor and Employment (DoLE), Department of Education (DepEd), Department of Science and Technology (DoST), Philippine National Red Cross (PNRC), Fire Marshall ng Bureau of Fire Protection (BFP), at ang pamunuan ng Army Reservist.

Tiniyak ni Albano na pangungunahan ni Sultan Kudarat Vice Gov. Datu Raden Sakaluran ang nasabing pulong.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?