Ni: Mina Navarro

Tinatayang nasa P1.5 milyon halaga ng misdeclared na kargamento na naglalaman ng mga tubo ang nakumpiska ng mga tauhan ng Enforcement Group ng Bureau of Customs (BoC) sa Davao City.

Nabatid na ang nasabing kargamento ay naglalaman ng 2,060 package ng square tube at nakapangalan sa Yagnas 08 Importation Trading.

Nadiskubre ng mga tauhan ng Enforcement and Security Service (ESS) sa Davao ang kontrabando, at kaagad na inirekomenda ang pagpapalabas ng warrant of seizure and detention laban sa kargamento, sa paglabag sa Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act of 2016.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kasalukuyang nasa container yard ng Sasa Wharf holding area ang mga nasamsam na kargamento.