Ni: Rommel P. Tabbad
Maghahain ng motion for reconsideration sa Office of the Ombudsman si dating Pangulong Benigno Aquino III, kontra sa mga kasong isasampa laban sa kanya kaugnay ng Mamasapano massacre, na ikinasawi ng 44 na tauhan ng Special Action Force (SAF), noong Enero 2015.
Sinabi ni Aquino na napagdesisyunan ng kanyang kampo na maghain ng mosyon matapos siyang sumangguni sa kanyang mga abogado kasunod ng paglabas ng desisyon ng Ombudsman para kasuhan siya ng graft at usurpation of authority.
Sinabi ng dating Punong Ehekutibo na nakaramdam din siya ng takot at pag-aalala dahil maaari umano siyang matulad sa sinapit ni Senador Leila de Lima, na nakakulong ngayon sa pagkakasangkot umano sa bentahan ng ilegal na droga sa National Bilibid Prisons (NBP).
Inamin din ni Aquino na naging mahirap sa kanya ang sitwasyon niya ngayon, dahil ito ang unang beses na sinampahan siya ng demanda.