Ni: Jeffrey G. Damicog
Nagpasalamat kahapon si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Korte Suprema nang payagan nito ang hiling niyang ilipat sa Taguig City Regional Trial Court (RTC) ang pagdinig sa mga kaso laban sa mga miyembro ng teroristang Maute Group.
“That is great news for DoJ (Department of Justice) and its panels of prosecutors in CDO (Cagayan de Oro City),” saad sa pahayag ni Aguirre. “It will solve a lot of problems like where the detainees are to be confined and whether we are going to rent a new place to hold the inquests and conduct preliminary investigations.”
Pinayagan kahapon ng Supreme Court (SC) en banc ang hiling ni Aguirre at itinalaga ang Taguig RTC “to speedily act on all prosecutions and incidents arising from violent incidents in Marawi City involving the Maute Group.”
Binigyan din ng go-signal ng SC ang pagpapakulong sa mga miyembro ng Maute sa Special Intensive Care Area ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City, na kasalukuyang nasa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City.