Ni REGGEE BONOAN

MARIING pinabulaanan ni Direk Erik Matti na ang ipinakitang design ng Darna costume ng international fashion designer na si Rocky Gathercole sa ilang entertainment media ang gagamitin ni Liza Soberano sa pelikulang gagawin nila sa Star Cinema.

Sa video ng interview kay Mr. Gathercole na napanood namin, sinabi niya na marami na raw ang nagsumite ng design ng gagamiting costume ni Liza at kino-consider raw ang gawa niya na ibinase pa niya sa costume ni Wonder Woman.

LIZA1 copy copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Dapat ang level natin as Filipino ay Marvel or DC comics,” paliwanag niya.

“Nagulat nga ako, eh,” reaksiyon ni Direk Erik, “’pinadala sa akin ‘yung (interview), hindi ko siya (Rocky Gathercole) kilala. Kami ang nagde-design ng costume, may sarili kaming designer at hindi ko alam kung sino siya. He may be famous, pero hindi ko siya kilala.

“Ayoko namang maging nega siya pero hindi ko siya talaga kilala, nag-uusap-usap nga kami kanina (Star Cinema bosses) kasi ‘pinadala sa akin kanina (ang design ni Rocky), sabi ko, ‘ano ‘to?’ Tsini-check pa nila (Star Cinema) kung saan galing daw ‘yun.”

Ayaw pang banggitin ni Direk Erik kung sino ang gagawa ng costume ni Liza bilang Darna, pero manggagaling daw iyon sa team nila at hindi nila kasama sa grupo ang international designer na ipinalabas kamakailan ang kuwento ng buhay sa Maalaala Mo Kaya bago ito naging tanyag sa ibang bansa.

“We are working with the costume and we are working with the costume maker already. Me, my design team and staff of Darna doing the pre-production,” pakli ng direktor.

Ayon pa kay Direk Erik, willing na magsuot ng two-piece costume si Liza.

“I think bottomline is Darna have to be presented after 23 or 24 years of having not a Darna movie on the screen, I think she should be presented in the best superhero look possible and whatever it is what we love about the Darna costume how was she envisioned in the comic book, I think that’s what we are trying to achieve.

“Definitely, it would be modern, contemporary, very progressive kind of costume for our Darna and I’ve seen what’s on the net and I’ve been tag by everyone. Actually, I collected all those pictures but we are going with the different, we are going with the totally new and different.

“We wanted a costume that is utilitarian, functional but at the same time can logically come out from Narda to Darna, hindi lang para lagyan ng bra at panty si Darna.

“That’s where we’re coming from that’s why I’m saying, it’s more than aesthetic, it’s more than just cosmetic, it’s more than just trying to be sexy. It really should be about the functional characteristics of the costume for a superhero,” paliwanag ng direktor ng Darna.

Itinanong namin kung totoo ang inilabas ng ilang websites na si Daniel Padilla ang magiging leading man ni Liza.

“Nakita ko rin ‘yun, hindi pa namin masasabi kung sino, pero mayroon na,” sagot ni Direk Erik.

Tumawa siya ng malakas nang humirit kami na, ‘yes or no’ lang ang sagot kung si Daniel nga.

“Ha-ha-ha, eh, di ‘pag sinagot ko ng yes or no, sumagot na ako nu’n. Hindi ko puwedeng sabihin dahil parang kinonfirm ko na ‘yun kung siya ba o hindi, di ba?”

O may cameo role ba si Daniel sa Darna?

“Ha-ha-ha, hindi ko puwedeng sabihin. Si Ogie (Diaz) na lang putaktihin n’yo,” tawa pa rin nang tawang sagot ng direktor.

Hindi pa nagsisimula ang shooting ng Darna at hindi rin daw alam ni Direk Erik kung kailan, pero sa pagkakaalam niya ay nasa kalagitnaan ng training si Liza. Magkikita sila ngayong linggo para sa series of workshops.

“Last week we sat down, we presented what we want to happen,” aniya.

Ang huling sabi ni Direk Erik sa amin, “May napili na kaming leading man, pero ‘yung gaganap na Ding, may nakikita na kami pero kailangan ko pang makausap siya para malaman ko.”

Wala pang eksaktong target playdate next year ng Darna, pero ang mandate kay Direk Erik ng Star Cinema ay, “Basta tapusin lang.”