Ni: Reggee Bonoan
PINAG-UUSAPAN ngayon sa social media ang tungkol sa struggling singer na hindi pa man daw sumisikat ay mawawalan na ng career.
Sa mga nababasa naming thread, in love na in love raw kasi ngayon ang struggling singer sa kanyang actor-boyfriend na hindi rin alam kung saan papunta ang career dahil walang regular show.
May mga nanghihinayang sa struggling singer dahil may talent naman daw at pumi-pick up na sana ang career nang biglang maglaho sa limelight.
“Hayaan n’yo na, inlavey, eh, hindi ba puwedeng maging masaya lang? Kaso paano ang buhay, hindi naman puro love lang,” komento ng isang netizen.
Kung hindi kami nagkakamali ay nagpaplano na yatang magpakasal ang struggling singer at actor boyfriend kaya may nagkomento rin ng, “Okay lang mag-asawa, may pampakain ba sa pamilya?”
“Baka naman may ipon, kayo naman,” pagtatanggol naman ng isa pang nagkomento.
Siguro nga panahon nang bumuo na sila ng pamilya dahil pareho na rin naman silang may edad na.
Anytime naman puwedeng bumalik sa showbiz, ‘yan ay kung may babalikan pa sila sa rami ng bagong mga artista at singers ngayon.