UNAHAN sa solong liderato ang Cignal TV Inc. at Mega Builders sa kanilang paghaharap ngayon sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nakataya ang unang semifinal berth sa naturang laro matapos kapwa walisin ng HD Spikers, nagtatangka na masundan ang tagumpay sa Reinforced Conference feat, at Volley Bolt ang unang apat na laro.

Nakatakda ang laro ganap na 1 ng hapon.

Kung pamatay ng Cignal ang atake, matibay naman ang blocking defense ng Mega Builders.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nangunguna sa depensa sina Volley Bolt teammates Kim Malabunga at Francis Sauri sa naitalang 2 at 11, ayon sa pagkakasunod sa kaagahan ng emilination round.

Sa kabuuan, tangan ng Mega Builders ang 40 block sa unang apat na laro para sa average na 2.86 kada set.

Inaasahang itatapat nila ito kontra Ralph Diezmo na nakapagtala ng kabuuang 192 spikes para sa HD Spikers.

Matapos ang pahirapang panalo sa Army, magaan ang ginapi ng Mega Builders ang Café Lupe, Gamboa Coffee at Instituto Estetico Manila sa torneo na itinataguyod ng Mikasa at Asics.

Matikas din ang panalo ng Cignal kontra Café Lupe, Gamboa Coffee, Army at Sta. Elena.

Magtutuos naman ang Air Force (3-1) at IEM (2-2) ganap na 10 ng umaga.

Samantala, nangunguna sa scoring si Berlin Paglinawan ng Sta. Elena sa naiskor na 69 puntos sa pagtatapos ng first round elimination, kasunod sina Air Force’s Alnakran Abdilla (68) at Edwin Tolentino (63).

Magkasosyo naman sina Sta. Elena’s Nico Ramirez at Abdilla bilang best server sa natipang tig-pitong service aces, habang nangunguna si Cignal’s Sandy Montero sa digging na may 54, habang nangunguna si Nico Ramirez sa best setter stats na may 149 running sets.